Manila, Philippines – Kinukundena ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang pagdideklara ng Pangulo bilang Special Non-working day sa Ilocos Norte para sa nalalapit na kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Lunes (September 11).
Sarkastikong sinabi ni Renato Reyes, Secretary General ng Grupong BAYAN, na magaling ang ginawang hakbang na ito ng Pangulo.
Mula aniya sa pagbibigay kay Marcos ng heroes burial at ngayon naman ay ang pagdideklara ng Special Non-Working day sa Ilocos Norte, hindi aniya na malabo na sa susunod na taon ay gawin na itong nationwide holiday.
Ayon kay Reyes, tuloy-tuloy ang ginagawang rehabilitasyon ng pamilyang Marcos.
Kanina, inilabas ang Proclamation no. 310, kung saan idineklarang Special Non-working day sa Ilocos Norte ang kaarawan ni dating Pagulong Ferdinand Marcos sa darating na September 11.