Pagdinig bukas ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies sa Pharmally, sinuspinde

Hindi tuloy ang ika-12 pagdinig bukas ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa pagbili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ng pandemic supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ito ay bilang tugon sa kahilingan na makapagpahinga muna ang mga staff ng komite at ng tanggapan ni Senator Richard Gordon na siyang Chairman ng komite.

Ang bagong petsa para sa pagpapatuloy ng pagdinig ay iaanunsyo na lang sa mga susunod na araw.


Samantala, ginagawa na ni Senator Gordon ang preliminary report ng komite ukol sa nabanggit na pagdinig.

Hindi naman nagbigay si Gordon ng petsa kung kelan niya ito target tapusin at ilabas.

Facebook Comments