Pagdinig kaugnay sa unti-unting pagbabalik ng mga pampublikong transportasyon sa ilalim ng GCQ, isasagawa ng Senado bukas

Magsasagawa ang Senado ng pagdinig sa Lunes ukol sa unti-unting pagbabalik ng mga pampublikong transportasyon sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Senate Committee on Public Services Chair Senator Grace Poe, ito ay para matiyak na maipapatupad pa rin ang health protocols sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) para sa kaligtasan ng mga driver at pasahero.

Una nang naglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng mga panuntunan na kailangang sundin bago ibalik ang mass transportation sa ilalim ng GCQ.


Giit din ni Poe, kinakailangan din na mabigyan ng suporta ang PUV drivers at operators lalo na’t mas mababa ang kikitain ng mga ito dahil sa ipinatutupad na social distancing sa mga pampasaherong sasakyan.

Facebook Comments