Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors ang pagdinig sa mga reklamong isinampa laban sa grupo ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI).
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, sa preliminary investigation kahapon ay nagpasya ang panel na desisyunan na ang kinakaharap na demanda ng SBSI.
Nakapagsumite na rin ng counter affidavit ang mga respondent kaya nagpasya ang panel na tapusin at ituring itong deemed submitted for resolution.
Naghain aniya ng supplemental counter-affidavit, ang mga respondent na pinagtibay ng kanilang mga testigo.
Samantala, nagsumite ng manifestation ang mga complainant upang nagpresenta ng karagdagang ebidensiya na magpapatibay sa hinihinging precautionary hold departure order o PHDO na pinalagan ng kampo ng depensa.
Tiniyak naman ng panel na reresolbahin na ang motion sa pagpapalabas ng PHDO.