Pagdinig ng CA sa writ of amparo at habeas data ng human rights group, itutuloy ngayong araw

48

Manila, Philippines – Itutuloy ngayong araw ng Court of Appeals (CA) ang pagdinig sa petisyon para sa writ of habeas corpus at habeas data na hinirit ng grupo ng mga kababaihan at human rights groups.

Alas otso ngayong umaga inaasahan ang pagdalo sa CA 14th Division ng mismong mga petitioner na kinabibilangan ng grupong Karapatan, Rural Missionaries of the Philippines o RMP at Gabriela.


Matatandaan, naghain ng nasabing petisyon sa Korte Suprema ang iba’t-ibang grupo kaugnay sa sinasabing pagbabanta at panggigipit daw ng administrasyong Duterte.

Inatasan naman ng Supreme Court (SC) ang Court of Appeals (CA) na magsagawa ng pagdinig sa nasabing mga petisyon.

Facebook Comments

From Advertisers