Pagdinig ng Committee on Public Accounts sa flogging ng COA sa DOH, iniurong sa Biyernes

Iniurong bukas (August 20) ang pagsasagawa ng pagdinig ng House of Representatives Committee on Public Accounts sa flogging ng Commission on Audit (COA) sa Department of Health (DOH).

Kaugnay ito sa P67 billion COVID-19 response funds ng DOH na nakitaan ng deficiency.

Ayon kay Committee chair Probinsyano Ako Representative Jose Bonito Singson, imbes na ngayong araw ay gagawin na ito bukas ng alas-10:30 ng umaga.


Mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang humiling ng bagong schedule dahil dadalo ang ilang key official ng DOH sa regular na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang pag-usapan ang ilang usapin.

Facebook Comments