Pagdinig ng Department of Justice laban sa Tax Evasion Case ng Mighty Corporation, nagsimula na

Manila, Philippines – Gumulong na ang imbestigasyon ng Deptartment of Justice sa Tax Evasion Case na inihain ng Bureau of Internal Revenue laban sa Mighty Corporation.

Ito’y matapos makumpiska sa ilang bodega ng Mighty ang bilyong-bilyung halaga ng pekeng tax stamps.

Kabilang sa nagsumite ng Counter-Affidavit sina Alexander Wongchuking, Edilberto Adan, Ret. Judge Oscar Barrientos at Ernesto Victa.


Nilinaw naman ng BIR na hindi pa tapos ang paghahain ng reklamo laban sa Mighty Corporation dahil hindi lamang p9.6 billion ang halaga na nawala sa pamahalaan kundi aabot sa 27 hanggang 30 bilyong piso.

DZXL558

Facebook Comments