Pagdinig ng House Quad Committee, kung saan humarap si dating Pangulong Duterte, isusumite ni dating Senator Trillanes sa ICC

Plano ni dating Senator Antonio Trillanes IV na isumite rin sa International Criminal Court (ICC) ang transcript ng ika-11 pagdinig ng House Quad Committee kahapon kung saan humarap si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tingin ni Trillanes, mas maraming sustansya na nakuha sa pagdinig ng House Quad Committee kung saan niya ipinrisinta ang mga bank account ng pamilyag Duterte, kung saan dineposito umano ang kabuuang halaga na P2.4 billion na drug money.

Nakasampa sa ICC ang reklamong crime against humanity laban sa dating pangulo bunsod ng umano’y libu-libong kaso ng extra judicial killings na naganap sa ilalim ng ikinasa nitong war on drugs.


Duda naman si Trillanes sa sinabi ni Duterte na nais nitong madaliin ng ICC ang imbestigasyon laban sa kanya para agad na siyang maipakulong kung mapatutunayang guilty.

Facebook Comments