Pagdinig ng Human Rights Body ng US house of representatives sa epekto ng drug war ng Duterte administration, kasado na bukas

Manila, Philippines – Kasado na ang pagdinig bukas ng Human Rights Body ng US house of representatives sa epekto ng drug war ng Duterte administration.

Pangungunahan ito ng Tom Lantos Human Rights Commission na binubuo ng Bi-partisan na grupo ng mga mambabatas mula sa Democrats at Republicans.

Ayon sa komisyon, dahil tumangap ng pinakamalaking US aid sa East Asia ang Pilipinas, dapat na pag-aralan ng Amerika kung paano balansehin ang pangangalaga sa karapatang pantao sa mga kaalyadong bansa.


Kabilang sa mga inimbitahang resource person sina Ellecer Carlos, tagapagsalita I-Defend Philippines, Matthew Wells na senior crisis advisor ng amnesty international at Phelim Kine, deputy director for Asia ng Human Rights Watch.

Facebook Comments