
Muling ipinagpatuloy ngayong araw ng pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Kabilang sa maagang dumating sa tanggapan ng ICI sa Taguig si ICI chairperson Andres Reyes Jr.
Dumating din sa ICI si Justice Sec. Crispin Remulla pero tumanggi itong magbigay ng pahayag sa media.
Hindi naman binanggit ng ICI kung sino-sino pang mga personalidad ang haharap ngayong araw sa pagdinig.
Ito ay dahil na rin sa usaping pangseguridad kaya minarapat ng Komisyon na huwag isapubliko kung sino ang kanilang mga imbitado sa hearing.
Facebook Comments









