Posibleng ngayong araw na ang huling pagdinig Kamara sa mga isyu kaugnay sa pagbili ng medical supplies ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Pero ayon kay Good Government and Public Accountability Vice Chair Johnny Pimentel, nakadepende pa rin ito sa mga lalabas na development sa pagdinig.
Ngayong araw din inaasahang pag-uusapan ng mga kongresista kung papayagan na muling makadalo si Pharmally Executive Krizle Grace Mago sa pagdinig ng Senado.
Si Mago ang nagbunyag ng pagpapalit sa manufacturing date ng mga face shield na ipinagbili sa gobyerno.
Matatandaang una nang sinabi ni Senator Richard Gordon na umaasa silang makakadalo muli sa Mago sa kanilang pagdinig sa darating naman na Martes, October 5.
Facebook Comments