Pagdinig ng Kamara na nakasentro sa smuggling, ipinagpaliban muna para matutukan ang imbestigasyon ukol sa mataas na presyo at smuggling ng agricultural products

Nagpasya si Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na ipagpaliban muna ang pinamumunuan niyang pagdinig na nakasentro sa smuggling kung saan inaasahang ipapatawag ang mga personalidad na sangkot umano sa smuggling.

Paliwanag ni Salceda ito ay para patapusin muna ang isinasagawang imbestigasyon ng Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Quezon Representative Wilfrido Mark Enverga ukol sa pagtaas ng presyo ng sibuyas at smuggling ng mga produktong agrikultural.

Bukod dito ay sinabi ni Salceda na kailangan pa nila ng sapat na panahon para pag-aralang mabuti ang sangkaterbang dokumento na kanilang natanggap kaugnay sa smuggling.


Facebook Comments