Pagdinig ng Kamara sa 2023 budget ng DA, sinabayan ng kilos protesta ng ilang militanteng grupo

Nagsagawa ng kilos-protesta sa labas ng south gate ng House of Representatives ang mga miyembro ng Anakpawis Party-list kasama ang mga magsasaka, magingisda at mga kababaihang kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

 

Ang kanilang kilos-protesta ay isinabay sa pagdinig ng Kamara sa panukalang pondo sa susunod na taon para sa Department of Agriculture (DA) na nagkakahalaga ng P102 billion.

 

Hirit ng grupo, ang P15,000 production subsidy para sa mga magbubukid at umaapela rin silang itaas ang pondo para sa sektor ng agrikultura sa 10% ng P5.3 trillion na 2022 budget.


 

Nais din ng grupo ng mga magbubukid na bawiin ang pagpapatupad ng Rice Liberalization Law dahil nagdulot lang ito ng P165 bilyon na pagkalugi sa panig ng mga magsasaka ng palay noong 2019 hanggang 2020.

 

Ayon kay Anakpawis Party-list National President Ariel Casilao, ang Rice Liberalization Law ay pangunahing nagtulak ng pambabarat ng mga trader sa palay dahil isinangkalan ang pagbaha ng imported na bigas.

 

Dagdag pa ni Casilao, nasundan ang krisis sa palay at bigas, ng pagtaas ng presyo ng gulay, ng karne, ng isda, ngayon ng asukal, na pawang bunga ng liberalization policies sa agrikultura.

Facebook Comments