Sisimulan na ngayong araw ng Kamara ang pagdinig nito hinggil sa panukalang 5.268 trillion pesos na 2023 national budget.
Dito ay ipababatid ng mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee ang House Committee on Appropriations kaugnay sa estado ng ekonomiya at ang mga ginamit na macro-economic parameters ng ehekutibo sa pagbuo ng budget para sa susunod na taon.
Ilan sa mga imbitado sa naturang pagdinig ay sina Budget Secretary Amenah Pangandaman, Finance Secretary Benjamin Diokno, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.
Tiniyak naman ni House Speaker Martin Romualdez sa publiko na mapupunta ang bawat sentimo ng kaban ng bayan sa mga programang makikinabangan ang buong bansa.
Target naman ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na aprubahan ang bawat panukala bago ang Setyembre 30.
Mababatid na nitong Lunes ay pormal nang isinumite ng ehekutibo sa pamamagitan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang 2023 National Expenditures Program (NEP) sa Kamara.