Pagdinig ng Kamara ukol sa Anti-Political Dynasty Bill, aarangkada na sa Enero ng susunod na taon

Sa pagbabalik ng session ng Kongreso sa ikatlong linggo ng Enero ng susunod na taon, aarangkada na ang pagtalakay ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ukol sa panukalang Anti-Political Dynasty Act.

Iniha­yag ito ng chairman ng komite, si Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, matapos maghain ng version ng panukala ang liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III.

Ayon kay Adiong, sa ngayon ay labing-isang Anti-Political Dynasty Bills na nai-refer sa kanyang komite.

Diin ni Adiong, napapanahong talakayin ang panukalang batas upang magkaroon ng tamang kahulugan ang isang “dynasty.”

Binanggit niya na plano ng komite na bumaba sa ground o direktang makipag-ugnayan sa mamamayan upang maipaunawa at malaman kung ano ang katanggap-tanggap na nilalaman ng panukala na dapat maisabatas.

Facebook Comments