Kasado na bukas, July 17 ang pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety katuwang ang Committee on games and amusements ukol sa mga krimen at ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore and Gaming Operators o POGO.
Ayon kay Sta Rosa Rep. Dan Fernandez na syang chairman ng committee on public order, layunin ng pagdinig na maprotektahan ang kaligtasan ng mamamayan laban sa mga krimen na nag-uugat sa POGO.
Dagdag pa ni Fernandez, target din na matukoy sa pagdinig kung may epekto sa pambansang seguridad ang operasyon ng POGO sa bansa.
Binanggit ni Fernandez na imbitado sa pagdinig ang mga opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, National Bureau of Investigation, Philippine National Pollice, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at mga liga ng lokal na pamahalaan at munisipalidad.