Pinayagang makapagbigay ng political message si Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta sa nagpapatuloy National Rally for Peace sa Quirino, Grandstand.
Sumentro ang talumpati ni Marcoleta sa pagdepensa kay VP Sara Duterte, kasabay ng pagkwestiyon nito sa mga kasamahang kongresista sa harap ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).
Ito ay kaugnay pa rin sa pagdinig sa budget ng Office of the Vice President (OVP) noong 2024, na tila hindi aniya ginawa in aid of legislation kundi para lamang usigin ang pamilyang Duterte sa politika.
Inilahad din ni Marcoleta ang mga problema ng bansa na tulad ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain at kuryente na siyang dapat tutukan ng pamahalaan.
Si Marcoleta, ay isa sa mga tagasuporta ni Bise Presidente Sara Duterte, at tatakbong senador.
Pero bago nito, nauna nang sinabi ng mambabatas na ang INC ay hindi kumikiling sa anumang panig ng pulitika at nais lamang magkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan gaya ng pangulo at pangalawang pangulo.