Pagdinig ng probable cause sa impeachment case ni CJ Sereno, naging fishing expedition lamang?

Manila, Philippines – Nagmistulang fishing expedition ang pagdinig kahapon sa probable cause ng impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Hindi naitago ni Quezon City Rep. Kit Belmonte ang pagkadismaya dahil humarap ang complainant na si Atty. Larry Gadon na walang dalang ebidensya para pabigatin ang mga alegasyon laban kay Sereno.

Sa halip na tukuyin kung may basehan ang reklamo, nagmumukhang sila pa ang nagbi-build up ng kaso laban sa Chief Justice.


Iginiit ni Belmonte kay Gadon na ito ang dapat na magharap ng mga ebidensiya para patunayan ang mga reklamo nito.

Maging si Committee Chairman Rey Umali ay pinagsabihan si Gadon na gawin ang kanyang homework bago humarap sa pagdinig.

Gayunman, sinabi ni Umali na hindi masasabing fishing expedition ang kanilang trabaho dahil talagang papel nila ang hanapin ang facts at punan ang mga bintang kay Sereno.

Facebook Comments