Pagdinig ng Senado bubuksan sa lahat ng indibidwal o grupo na may alam sa usapin sa obligasyon ng ABS-CBN sa prangkisa ayon kay Sen. Gatchalian

Hindi lilimitahan ng Senado ang mga personalidad na iimbitahan sa gagawing pagdinig ng Senado sa Lunes hinggil sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal.

Sa Pandesal Forum sa Quezon City, sinabi ni Senador Win Gatchalian na wala pang listahan ng mga taong naimbitahan na maging resource persons.

Bubuksan, aniya, ang pagdinig sa mga indibidwal o grupo na may alam sa isyu ng prangkisa.


Aniya, lahat ay sisilipin sa pagdinig maging ang sinasabing mga paglabag umano ng naturang giant TV network.

Una nang inimbitahan ang National Telecommunications Commission (NTC) para matanong sa isyu ng franchise renewal.

Facebook Comments