MANILA – Muling bubuksan ng Senado ang pagdinig sa mga umanoy kaso ng Extra Judicial Killings sa October 13, (Huwebes).Ayon kay Sen. Richard Gordon, Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, hindi maaring itigil ang pagbusisi sa nangyayaring patayan.Resulta man ito ng police operations o kagagawan ng sindikato, vigilante o sindikato ng ilegal na droga.Sa imbestigasyon sa Huwebes, target na ipatawag at pagpaliwanagin ang PNP at NBI kaugnay sa kaliwat’ kanang patayan.Giit ni Gordon, kahit sinasabing talamak na pusher ang mga napapatay ngayon ay krimen pa rin ang ito na dapat resolbahin.Inimbitahan din sa pagdinig ang Commission on Human Rights (CHR) para alamin kung papaano nito tinutulungan ang reklamo ng kaanak ng mga napapatay na sangkot sa droga.
Pagdinig Ng Senado Hinggil Sa Extra Judicial Killings Muling Bubuksan Sa Huwebes Pnp At Nbi, Pagpapaliwanagin
Facebook Comments