Pagdinig Ng Senado Hinggil Sa Extra Judicial Killings Muling Bubuksan Sa Huwebes

5

MANILA – Naniniwala si Sen. Leila De Lima na hindi na nakayanan ng high profile inmate na si jaybee sebastian ang pressure… kaya’t nagsabi na rin ito ng mga kasinungalingan laban sa kanya.Ayon kay De Lima, hindi na siya nagulat nang tumestigo laban sa kanya si Sebastian dahil ilang linggo bago nito ay nakatanggap na siya ng impormasyon na pine-pressure “umano” si Sebastian na magsinungaling para idiin siya.Kasabay nito, muli namang iginiit ni De Lima na hindi siya tumanggap ng pera mula sa drug lords sa New Bilibid Prison.Hindi rin aniya totoo na dumaan ang dalawang milyong piso sa dati niyang security aide na si Joenel Sanchez.Iginiit din ni De Lima na kasinungalingan ang mga sinabi ni sebastian na may relasyon sila ni Sanchez.Ipinunto rin ng Senadora, na walang basehan ang inilabas na look out bulletin order ng Dept. of Justice laban sa kanya dahil wala pang kaso na inihahain laban sa kanya.

Facebook Comments