MANILA, PHILIPPINES – Muling ipinagpatuloy ng senado ang pagdinig kaugnay sa insidente ng kidnap for ransom sa negosyanteng si Jee Ick Joo na kinasangkutan ng ilang pulis.
Sa pagdinig ng senate committee on public order and dangerous drus na pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson – kinukwestyon ni Sen. Tito Sotto ang magkaibang report sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police gayong may ikinasa silang joint investigation.
Paliwanag ni NBI Dir. Dante gierran – bagamat may joint investigation, hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng dalawang report.
Kasabay nito, nanindigan si Gierran na tama at nakabatay sa mga ebidensya ang NBI report.
Matatandaang kinukwestyon ang kredibilidad ng NBI sa imbestigasyon sa Jee Ick Joo slay dahil sa pagkakasangkot ng ilan opisyal ng ahensya.