Manila, Philippines – Umarangkada na ang pagdinig ng Senado kaugnay sa panukalang batas na bubuo sa Benham rise Development Authority.
Layon nitong bumuo ng special body na hahawak sa mga usapin tungkol sa paglinang sa likas na yamang matatagpuan sa Benham rise.
Ito rin ang direktang magbibigay ng impormasyon sa mga kinauukulang ahensya kung may mga usaping kailangang bigyan ng atensyon.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian – binigyan diin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na ang Pilipinas ang may buong karapatan sa paglinang ng likas na yaman sa Benham rise.
Iginiit ni Esperon na bagamat mayroong freedom of innocent passage and navigation sa Benham rise, walang ibang bansa ay may karapatan na mag-explore sa mga resources ng nasabing isla kundi ang Pilipinas lang.
Sinabi din ni Esperon na ang kaso ng namataang Chinese vessel sa Benham rise ay maituturing na innocent passage.
Ipinag-utos na rin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabantay o pagpapatrolya sa nasabing isla.
Bukod sa mga kinatawan ng Department of National Defense, kabilang sa mga imbitado sa senate hearing ay mga opisyal o kinatawan ng Department of Foreign Affairs.
Facebook Comments