Pagdinig ng Senado sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy, tuloy ngayong araw; pitong testigo na biktima ng pang-aabuso ng pastor, haharap sa imbestigasyon

Hindi alintana ng Mataas na Kapulungan ang malakas na bagyo ngayong araw at sa kabila ng suspensyon sa lahat ng mga government offices ay tuloy na tuloy ang pagdinig sa mga kaso ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Aabot sa humigit kumulang 40 resource persons ang inaasahang haharap ngayon sa pagdinig.

Batay sa listahan ng Senate Committee on Women sa mga guests o resource persons na haharap, karamihan ng mga ito ay mga opisyal ng gobyerno.


Sa mga testigo laban kay Quiboloy ay pito ang haharap ngayong araw kung saan sa wakas ay mangyayari ang face-to-face ng mga biktima ng pang-abuso at ng religious leader.

Naunang sinabi rin ni Senator Risa Hontiveros na may mga testigo ring naunang humarap na sa pagdinig ang muling dadalo para makaharap ang pastor.

Sa unang pagkakataon ay haharap si Quiboloy sa pagdinig ng Senado at ang sampung iba pang miyembro ng KOJC na sangkot din sa mga kaso ng pang-aabuso.

Facebook Comments