Pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang senador sa pagsasagawa ng mga ito ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa ilang ahensiya ng gobyerno.
Kasunod ito ng nakitang deficiency ng Commission on Audit (COA) sa Department of Health (DOH) na kasalukuyan nang ginagawan ng pagdinig ng Senado at Kamara.
Sa ikalawalang Talk to the Nation ng pangulo kagabi, sinabi nito na pangunahing dahilan ang mga Senador kung bakit muling nagkaroon ng televised briefing kasama ang ilang cabinet officials.
Pinayuhan naman ng pangulo ang publiko na huwag agad maniwala sa imbestigasyon dahil wala namang itong magandang resulta.
Ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay pinangungunahan ni Senator Richard Gordon.
Facebook Comments