MANILA – Hati ang reaksyon ng mga senador sa nagpapatuloy na pagdinig ng committee on justice sa panukalang pagbabalik ng death penalty sa bansa.Sa manifestation ni Sen. Manny Pacquiao, sinabi nitong panahon ng buhayin ang parusang kamatayan dahil kailangan ng tuldukan ang problema ng bansa sa ilegal na droga.Tatlo ang inihaing panukala ni Pacquiao, na sumuporta sa death penalty.Kinontra naman ni Sen. Risa Hontiveros ang pagbabalik sa death penalty.Giit ni Hontiveros, hindi masusolusyunan ng death penalty na masawata ang paglaganap ng krimen sa bansa.Nanindigan din Sen. Leila De Lima, na kailanman hindi magiging tama ang pagbuhay sa parusang kamatayan.Sa panig ng Dept. of Justice, sinabi ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na bukas sila sa panukala.Nilinaw nitong hindi lamang mga mahihirap ang tatamaan nito dahil mayroon namang due process.Una nang iginiit ni Sen. Richard Gordon, chairman ng komite na mahalaga ang buhay at hindi tugon ang bitay sa tumataas na antas ng kriminalidad sa bansa.
Pagdinig Ng Senado Sa Panukalang Pagbabalik Ng Death Penalty Sa Bansa – Umarangkada Na…! Mga Senador – Hati Sa Usapin Ng
Facebook Comments