Pagdinig ng Senado ukol sa 6.4 billion pesos na shabu galing China, idinaan na sa executive session

Manila, Philippines – Ginawa ng executive session ang kanina ay public hearing ng blue ribbon committee ukol sa 6.4 billion pesos na halaga ng shabu galing China na nakalusot sa Bureau of Customs.

Ito ay para pagbigyan ang request ng customs broker na Mark Reuben Taguba II.

Sa komite ay ipinaliwanag ni Taguba na, walang shabu sa kanilang shipment na ang importer ay ang EMT trading.


General merchandise lang daw ang kanilang shipment at ang kausap nila ay isang Kennet Dong na konektado naman kay Richard Chen o Richard Tan.

Si Richard Chen o Tan ay ang personalidad na ibinagay ng counterpart sa China ng Customs na kontakin kaugnay sa itinimbre nila na shabu na nakapasok sa ating bansa.

Pero giit ni Taguba, si Richard Chen o Richard Tan ang importer at ginamit lang ang mga impormasyon ng kanilang shipment.

Kwento pa ni Taguba, nagamit lang sila para maipasok ang nabanggit na shabu dahil bago ang raid nito sa 2 warehouse ay tinong ni Kennet Dong ang entry number ng kanilang shipment at laking gulat nila ng ito na ang lumabas sa mga news reports.

Ayon kay Taguba, marami syang detalyeng nais ibigay sa committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon kagunay sa mga iregularidad a Customs.

Kaya ang Customs officials, hindi kasama sa nabanggit na executive session.

Facebook Comments