Pagdinig ng Senado ukol sa Death Penalty Bill, nais dapat iprayoridad

Umaapela si Senator Ronald Bato Dela Rosa kay Senator Richard Gordon na magpatawag na agad ng pagdinig ukol panukalang ibalik ang parusang kamatayan.

Si Dela Rosa, ay isa sa mga naghain ng Death Penalty Bill bukod kina Senate President Tito Sotto, Senators Ping Lacson, Manny Pacquiao at Bong Go.

Senate bill number 226 ni Dela Rosa ay nais niyang mapatawan ng kamatayan ang mga trafficker at manufacturer ng ilegal na droga.


Sa panukala ni Dela Rosa ay hindi saklaw sa parusang bitay ang mga mahahatulang guilty sa kasong rape, murder at iba pang karumal dumal na krimen dahil magtatagal at magiging masalimuot ang debate.

Chairman naman ng ng Senate Committee on Justice and Human Rights si Gordon na noon pa ay nagpahayag ng pagtutol sa parusang kamatayan dahil hindi aniya nito matutuldukan ang mga malalagim na krimen.

Facebook Comments