Kasado na ngayong Huwebes, Pebrero 24 ang pagdinig ng senado kaugnay sa pagkawala ng aabot sa 30 indibidwal dahil sa online sabong.
Sinabi ito ni Senate Committee Chairman on Public Order and Dangerous Drugs Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa interview ng RMN Manila kaugnay sa imbestigasyon ng senado sa lumalaking problema ng pagkahumaling ng mga pilipino sa e-sabong.
Ayon kay Dela Rosa, pag-aaralan nila na ibigay sa kongreso ang kapangyarihang mag-isyu ng prangkisa sa mga ito na kasalukuyang hawak ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Balak din ng senador na limitahan ang oras ng operasyon ng mga online sabong upang hindi gaanong mahumaling ang mga parokyano nito sa naturang bisyo.
Samantala, hinimok din ni Bato ang mga may alam na impormasyon na tumulong sa imbestigasyon nga ng mawawalang sambungero.
Matatandaang isiniwalat ng ama ng isa sa mga biktima na nasa 300 umano ang tunay na bilang na nawawalang sambungero na siyang napakababa kumpara sa datos ng PNP na nasa 30 indibidwal lamang.