Pagdinig ng Senado ukol sa nangyaring shootout sa pagitan ng mga pulis at tauhan ng PDEA, itutuloy na bukas

Ipagpapatuloy na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagdinig ukol sa nangyaring shootout sa pagitan ng mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Pebrero 24.

Ayon kay Committee Chair Senator Ronald Dela Rosa, isasagawa sa lunes ang pagdinig batay sa dalawang senate resolution na inihain nina Senate President Vicente Sotto III at Senator Risa Hontiveros.

Kabilang sa mga inimbitahan sa pagdinig si Philippine National Police Chief Police General Debold Sinas, PDEA Director General Wilkins Villanueva at iba pang opisyal mula sa dalawang ahensiya.


Kaugnay nito, hahalili kay Sinas bilang kinatawan ng PNP si Lt. General Guillermo Eleazar na siyang Officer-In-Charge ngayon matapos magpositibo si Sinas sa COVID-19.

Matatandaang limang indibidwal ang nasawi sa nangyaring “misencounter” kung saan dalawa rito ang PDEA agents, isang informant nila at dalawang pulis.

Facebook Comments