Pagdinig ng Senado ukol sa ninja cops, itutuloy ngayong araw

Ipagpapatuloy ngayong araw ang pagdinig ng Senado ukol sa kontrobersyal na drug recycling ng mga ninja cop.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, maraming testigo ang inaasahang haharap at mas maraming pasabog ang masisiwalat.

Marami pa aniyang dapat sagutin at marami pa ang dapat malaman lalo na at hindi pa maliwanag ang naging papel ni PNP Chief Oscar Albayalde sa milyong pisong drug buy bust operation noong 2013 kung saan siya ang Provincial Director ng Pampanga noon.


Giit ni Sotto, hindi pa ligtas sa isyu si Albayalde dahil hindi pa nareresolba ang puno’t dulo ng mga ninja cop.

Iimbitahang dumalo sa pagdinig si Police Major Rodney Baloyo, ang nanguna sa operasyon laban sa Drug Lord na si Johnson Lee.

Itinanggi naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson, Sen. Richard Gordon na nahahaluan na ng pulitika ang ginagawa nilang imbestigasyon sa isyu ng mga pulis na diumano’y nagre-recycle ng ilegal na droga.

Facebook Comments