Pagdinig ng Senado ukol sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at iba pang kaso ng pagpatay sa Negros Oriental, tinapos na!

Tinapos na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at sa iba pang karahasan at pagpatay sa Negros Oriental.

Ayon kay Committee Chairman Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa, babalangkas na siya ng committee report at maglalahad ng rekomendasyon para matigil na ang mga karahasan sa lalawigan.

Sa buong pagdinig ay nasa 80 na taga-Negros Oriental ang humarap sa Senado sa parehong kampo ng pamilyang Degamo at sa kampo ni suspended Cong. Arnie Teves at dating Governor Pryde Henry Teves na sinasabing sangkot sa pagpaslang kay Governor Degamo at sa iba pang patayan sa probinsya.


Magkagayunman, sa limang pagdinig ay hindi humarap si Cong. Teves na siyang itinuturong pangunahing utak sa pagpaslang sa Gobernador.

Hindi na rin pinaharap ng Department of Justice ang mga sumukong suspek sa kaso upang hindi majeopardize ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa krimen.

Facebook Comments