Pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa maanomalyang pagbili ng COVID-19 supplies, itutuloy ngayong araw!

Itutuloy ngayong araw ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa maanomalyang pagbili ng gobyerno ng mga COVID-19 supplies.

Gaganapin ito mamayang alas-11 ng umaga.

Dahil dito, muling pinapaharap sa pagdinig ang mga dating opisyal ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) at mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.


Imbitado rin sa pagdinig si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III at ang mga opisyal ng DBM.

Iimbitahan din ng komite ang mga doktor na kasapi ng Philippine College of Physicians (PCP), at ang mga medical society na nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag hadlangan ang pagharap sa senado ng mga testigo sa katiwalian.

Facebook Comments