Pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, kasado na

Kasado na sa huwedes (February 6), ang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Kasunod na rin ito ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbasura sa VFA.

Ayon kay Committee Chairman Senator Koko Pimentel, posibleng talakayin sa pagdinig ang mutual defense treaty at ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at US; at ang Visiting Forces Agreement sa pagitan naman ng Pilipinas at Australia.


Kaugnay nito, nilinaw ni Pimentel na walang kinalaman ang pagdinig sa pagkansela ng Amerika sa US visa ni Senator Ronald Dela Rosa.

Facebook Comments