Thursday, January 15, 2026

Pagdinig sa Anti-Dynasty Bill, ipinasasagawa na agad sa Senado

Nanawagan si Senator Kiko Pangilinan sa senate leadership na simulan na “ASAP” o kaagad ang pagdinig sa panukalang Anti-Dynasty Bill.

Ayon kay Pangilinan, ang Anti-Political Dynasty Law ay kasama sa priority bills ng administrasyong Marcos ngayong taon.

Punto ng mambabatas na halos apat na dekada na ang 1987 Constitution pero patuloy na dinededma ang malinaw na utos na bawal ang dinastiyang politikal.

Ngayong prayoridad ito ng pamahalaan kasama ang iba pang panukala, wala na dapat palusot para hindi ito maisabatas.

Binigyang-diin ni Pangilinan na napapanahon na para patunayan ng Senado na kung seryoso na gawing maunlad ang bansa, dapat ang susunod na magiging pangulo ay hindi kabilang ng political dynasty.

Naniniwala ang senador na kung walang dinastiya ay hindi maghihirap ang Pilipinas.

Facebook Comments