Pagdinig sa budget ng Dept. of Agriculture, sinuspinde muna ng Kamara

Manila, Philippines – Masyadong naliliitan ang mga kongresista sa pondo na inilaan sa Department of Agriculture para sa 2018.

Ito ang dahilan kaya sinuspinde muna ang pagdinig sa budget ng ahensya.

Sa 2018, nasa 60 Billion lamang ang iginawad na budget ng Department of Budget and Management gayong nasa 220 Billion na pondo ang inihihirit ni Agriculture Sec. Manny Piñol.


Natuloy lamang ang ilang konsiderasyon sa ibang attached agencies pero hindi sa buong kagawaran.

Iginiit nila Albay Rep. Edcel Lagman at A-Teachers PL Rep. Julieta Cortuna na dagdagan ang pondo sa farm to market roads at tustusan ang pangangailangan ng mga magsasaka sa pataba.

Samantala, iniulat ng National Food Authority na target nilang itaas sa 1.200 million metric tons ang volume ng bibilhing palay mula sa ani ng mga lokal na magsasaka sa 2018.

Mas mataas ito kumpara sa 225,000 metric tons na palay procurement target ngayong 2017.

Facebook Comments