Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court ang pagdinig sa kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam pang indibidwal noong nakaraang taon.
Ayon kay Prosecutor General Anthony Fadullon ng National Prosecution Service, ito ay matapos na maghain ng petition for bail ang ilan sa mga akusado.
Kahapon sana ang pagdinig ng Manila RTC kaugnay sa mga kasong murder at multiple murder pero hindi natuloy.
Ayon naman sa asawa ng gobernador na si Mayor Janice Degamo, kung siya ang tatanungin ay hindi raw dapat payagan na makapag-piyansa ang mga ito.
Umaasa naman ang alkalde na mapapauwi na sa Pilipinas ang dating kongresista na si Arnolfo Teves Jr., na itinuturong utak ng pagpatay at kasalukuyang nasa Timor Leste.
Samantala, tiniyak naman ni Fadullon na babasahan ng sakdal si Teves oras na makabalik na ito sa Pilipinas.
Itinakda ang susunod na pagdinig kaugnay sa Degamo murder sa January 2025.