Manila, Philippines -Sa kabila ng no show sina PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa at DILG OIC Catalino Cuy sa pagdinig ng DILG budget para sa 2018 ay itinuloy pa rin ang hearing sa pondo ng ahensya.
Ang mga ito ay nagpadala ng kinatawan sa Kamara dahil kasama sina Dela Rosa at Cuy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa awarding ng mga tropa ng PNP sa Ozamiz City.
Laking panghihinayang naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na wala ang mga head ng mga pangunahing ahensya na siyang dapat na sasagot sa mga malalaking isyu sa budget.
Inirekomenda ng kongresista ang pag-defer o postponement ng DILG budget hearing dahil wala sina Bato at Cuy.
Pero sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na ituloy pa rin ang pagpresent ng budget at kung ano lamang ang kayang sagutin ng mga ipinadalang kinatawan.
Samantala, tumaas naman ng 15% o 22.69 Billion ang pondo ng DILG sa 2018.
Sa 170.73 Billion na pondo sa 2018, pinakamalaking budget sa PNP na may 131.261 Billion, sunod ang BFP na may 14.75 Billion, ikatlo ang BJMP na may 14.29 Billion, DILG na may 6.73 Billion, PPSC- 1.78 Billion, at NAPOLCOM-1.65 Billion.