Pagdinig sa ethics complaint laban kay Rep. Barzaga, sisimulan ngayong araw

Ngayong araw nakatakdang simulan ng House Committee on Ethics and Privileges ang pagdinig sa ethics complaint laban kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga, na inihain ng National Unity Party (NUP).

Ayon kay House Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Ronaldo “Ronnie” Puno na siya ring chairperson ng NUP, sang-ayon sya na may karapatan si Barzaga sa malayang pagpapahayag.

Pero diin ni Puno, bilang isang Kongresista ay dapat magpakita si Barzaga ng mas maayos na asal at pakikitungo sa kapwa mambabatas.

Paliwanag ni Puno, ang Ethics Committee ay hindi isang criminal court kundi isang daan para maprotektahan ang Kamara laban sa maling asal o gawain ng mga miyembro nito.

Ipinunto ni Puno na kung walang Committee on Ethics ay walang didisiplina at magtataguyod ng respeto, maayos na asal o kilos, at dignidad ng mga mambabatas.

Facebook Comments