Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagdinig sa labing anim na kaso ng graft laban kay dating Senador Bong Revilla Jr. at mga kapwa akusado nito.
Ito ay matapos na mabigo si Atty. Richard Cambe at Janet Lim Napoles na makadalo sa paglilitis.
Batay sa panuntunan ng Sandiganbayan, dapat sa Muntinlupa kung saan nakakulong si Cambe isasagawa ang hearing.
Pero pinuna ni Associate Justice Efren Dela Cruz na mahihirapan sila kung sa Muntinlupa isasagawa ang pagdinig dahil sa dami ng akusado, testigo at mga abogado.
Dahil dito, sinabi ni Dela Cruz na hihingi sila ng permiso sa Korte Suprema na sa Sandiganbayan sa Quezon City na lamang isagawa ang hearing.
Facebook Comments