Dumalo sa pagdinig ang mga Punong barangay ng mga bayan na pinatotoo ang naturang reklamo matapos umanong mapag-iwanan sa mga barangay na dapat ay makakatanggap nito.
Sa bayan ng Caba, ang barangay lamang ng San Gregorio ang nakatanggap ng naturang sasakyan at labing-anim ang hindi nabigyan habang tatlo lamang ang nakatanggap at labing isang barangay naman ang hindi nakatanggap sa Pugo.
Palaisipan umano na hindi pa rin nasisilip ng ehekutibo na hindi pa rin natatanggap ng ilang barangay sa dalawang bayan ang donasyong sasakyan gayong ipinatupad ito noon pang nakaraang taon.
Mungkahi ng ilang mambabatas dapat ay magkaroon ng acknowledgement receipt sa mga mismong benepisyaryo ang mga donasyon ng Pamahalaang Panlalawigan upang matiyak na natatanggap ito ng mga tamang benepisyaryo.
Muling magpupulong ang komite at mga opisyal matapos ang dalawang linggong palugit upang masulatan ang mga LGU sa kinahinatnan ng mga hindi naibigay na multi-purpose vehicles. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







