Pagdinig sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, sisimula na sa susunod na linggo… paghahain naman ng impeachment laban kay Vice President Leni Robredo, inaabangan na sa Kamara

Manila, Philippines – Sisimulan na sa susunod na linggoang pagdinig sa impeachment complaint na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejanolaban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
  Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, irereferni Speaker Pantaleon Alvarez sa House Committee on Justice ang reklamo atpagdedebatehan pa kung sufficient in form at sufficient in substance angimpeachment complaint.
 
  Kung sakaling kulang o hindi makitaan ng grounds para saimpeachment complaint ay tiyak na maibabasura ang nasabing reklamo.
 
  Ilan sa mga naging batayan ng paghahain ng impeachmentcomplaint laban kay Pangulong Duterte ay culpable violation of theconstitution, betrayal of public trust at iba pang high crimes.
 
  Samantala, inaabangan na rin sa kamara ang paghahain ngimpeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo na pangungunahan niAtty. Trixie Angeles at Atty. Bruce Rivera.
 

Facebook Comments