Manila, Philippines – Sisimulan na sa Lunes (May 15) ang pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sabi ni Cong. Rey Umali, chairman ng komite – nakapagpadala na siya ng notice sa lahat ng miyembro ng komite para sa pagdinig.
Aniya, una nilang aalamin kung tama ang balangkas o porma ng impeachment case bago busisiin kung mayroon ba itong sapat na basehan.
Matatandaang inihain ni Magdalo Represenstative Gary Alejano ang impeachment complaint laban sa Pangulo.
Dito ay inakusahan ni Alejano si Pangulong Duterte ng paglabag sa Saligang Batas, bribery, betrayal of public trust, graft and corruption at iba pang high crimes.
DZXL558
Facebook Comments