Pagdinig sa inihaing impeachment complaint laban kay kay Pangulong Rodrigo Duterte, aarangkada na sa Lunes

58

Manila, Philippines – Sa Lunes na isasagawa ang pagdinigsa House Committee on Justice kaugnay sa inihaing impeachment complaint labankay Pangulong Rodrigo Duterte.
  Ito ang sinabi ni House Committee on Rules at IlocosNorte Rep. Rodolfo Fariñas.
  Ayon kay Fariñas – pagbotohan nila kung sapat ang mganilalaman na reklamo sa inihaing impeachment complaint laban sa pangulo.
  Aniya, kapag matapos na ang regular session nila sa Mayo 31ay pag-aaralan pa nila kung ihahain ang kaso o kung i-dismiss ang reklamo nanaunang inihain ng Magdalo Partylist sa pamamagitan ni Rep. Gary Alejano.
  Bukod sa reklamo sa pangulo, nakabinbin din ngayon sakamara ang impeachment complaint laban naman kay Vice President Leni Robredo.
 

Facebook Comments