Pagdinig sa kahilingan na dagdag-pasahe, isinalang na ng LTFRB

Binubusisi na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pagdinig sa kahilingan na dagdag-pasahe sa mga pampublikong jeep.

Ang naturang hakbang ay kaugnay sa kahilingan ng grupong LTOP, FEDJODAP, STOP and GO at PISTON na karagdagang ₱2 dagdag na pamasahe sa mga pampasaherong jeep.

Base sa abiso na inilabas ng LTFRB, ganap na alas-10:00 kaninang umaga ang pagsisimula ng pagdinig.


Maliban sa apat na transport group, kasama rin sa inimbitahan na dumalo sa pagdinig ang National Center for Commuter Safety and Protection maging ang Lawyers for Commuters Safety and Protection group.

Binigyang diin ng LTFRB, na masusi nilang bubusisiin umano ang isasalang sa pagdinig ang kahilingang dagdag-pasahe.

Facebook Comments