Ipinagpaliban ng Makati Regional Trial Court ang pagdinig sa kaso ni Kerwin Espinosa na conspiracy to distribute illigal drugs sa Region 7.
Sinabi ni Assistant State Prosecutor Herbert Abugan magsisimula na sana ng testimony ni Marcelo Adorco sa Motion to discharge him as a state witness, pero hindi natapos kasi nag object ang Public Attorneys Office na abogado ni Adorco.
Nais kasing beripekahin ng PAO kung talagang handa ito na mag testify laban sa mga co-accused nya na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Ruel Malindangan.
Sinabi naman ni assistant state prosecutor Herbert Abugan, materyal kasi ang testimonya ni Adorco para idawit sina Kerwin Espiosa at Peter Lim dahil nuong mga panahong iyon ay sya ang kanan kamay at driver ni Kerwin.
Samantala, itinakda ni Makati RTC Branch 65 Judge Rommel Baybay, ang pagdinig sa Septyembre 11, alas 8:30 ng umaga.
Si Espinosa ay nahaharap sa drugs cases sa Manila at Makati, 2 murder charges sa Manila, at illegal possession of firearms and explosives case sa isang korte sa Maynila.