Manila, Philippines – Ipagpapatuloy na ng Makati Regional Trial Court Branch 150 ang pagdinig sa kasong kudeta ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon sa Korte – itinakda ang pagdinig sa March 20 kung saan inaasahang ipi-prisinta ng prosekusyon ang kanilang mga ebidensya.
Taong 2011 nang na-dismiss ang kaso matapos bigyan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ng amnestiya si Trillanes.
Pero noong nakaraang taon, pinawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya ng Senador sa pamamagitan ng proclamation 572 dahil sa hindi umano nito pagsusumite ng official amnesty application form at admission of guilt.
Facebook Comments