Pagdinig sa kasong plunder ni dating Senador Jinggoy Estrada, ipinagpaliban ng Sandiganbayan

Ipinagpaliban muna ng Sandiganbayan 5th Division ang pagdinig sa kasong plunder ni dating Senador Jinggoy Estrada kaugnay pa rin sa kasong pork barrel scam.

 

Hindi pa nareresolba ng korte ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Estrada.

 

Matatandaang ibinasura naman ng korte ang inihaing demurrer to evidence nila Estrada at Janet Lim-Napoles na humihiling na ibasura ang kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya ng prosekusyon.


 

Ang pagdinig sa kaso ay gaganapin na sa Agosto 5, alas 8:30 ng umaga kung ipiprisinta na ng depensa ang mga ebidensya laban kina Estrada at Napoles.

 

Ang plunder case ni Estrada ay kaugnay sa paglalaan ng pork barrel nito sa mga bogus na NGOs ni Napoles na aabot sa P183 Million.

Facebook Comments