Pagdinig sa mga kaso ni Jinggoy, ipagpapatuloy ngayong araw

Manila, Philippines – Ipagpapatuloy ng 5th division ng Sandiganbayan ang pagdinig sa mga kaso ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder at 11 counts ng paglabag sa Anti-graft and Practices Act.

Inaasahang dadalo mamayang si Jinggoy na kalalaya lamang matapos payagan na makapagpiyansa ng mahigit isang milyong piso.


Nauna nang ipinahayag ni Estrada na mgayon na pinayagan na siya ng Sandiganbayan na pansamantalang makalaya, tutukan niya ng panahon ang kaniyang kaso.

Balak sin niya na mag-ikot sa bupng Pilipinas para personal na pasalamatan ang kaniyang mga constituents.

Hindi aniya siya maayos na nakapagpasalamat noong huling araw niya sa Senado.

Wala pa naman siyang plano ngayon kung babalik siya sa larangan ng pulitika.

Facebook Comments