Pagdinig sa mga kaso via video conference, apektado ng mahinang signal ng internet

Aminado si Chief Justice Diosdado Peralta na naka-apekto sa mabilis na resolusyon ng mga kaso sa korte via video conference ang mahinang signal ng Wi-Fi.

Kaugnay nito, kumuha aniya ang Supreme Court ng eksperto para matugunan ang mga technological issue sa implementasyon ng virtual hearings.

Pero inihayag ni Chief Justice Diosdado Peralta na marami pa ring naging achievement ang hudikatura sa kabila ng krisis.


Tinukoy ng punong mahistrado ang pagpapalaya sa libu-libong inmates at ang mga natapos na promulgasyon ng ilang malalaking kaso.

Facebook Comments